Thursday, April 27, 2017

Ang Sining ng Pagiging Positibo Sa Buhay

“It makes a big difference in your life when you stay positive.” Ellen DeGeneres

Ang pagiging positibo sa buhay ay malaking tulong bilang isang tao lalong-lalo na sa panaho ng walang-wala tayo sa lahat ng bagay. Naghihirap sa buhay dahil sa pauli-ulit nanangyayari o tinatawag nating “isang kahig, isang tuka” nag-aalala tayo sa ating buhay o makakain kinabukasan.Ano kaya ang dapat kung gawin? Ano ba dapat ang gagawin ko? Paano Kung? Paano Na? NAG-AALALA KA BA? Lagi ako nananatiling positibo kasi alam ko kung ano ang magiging epekto nito sa aking buhay, Pero habang ako ay tumatanda at dumarami na ang aking mga responsibilidad para gampanan sa trabaho at sa bahay at nagiging kampante tungkol sa aking kinabukasan hanggang sa nakaramdam ako ng takot hanggang sa maalala ko kung paano ko na lampasan ito sa aking buhay.Basta alam ko mananatili akong positibo kahit ano pa man ang mangyayari.Ikaw din magagawa mo rin ito kung susundin mo ang

7 paraan para manatiling positibo sa Buhay

Nakapaloob sa gabay na ito ang pananaliksik sa mga benepisyo sa tao ng pagiging positibo. Habang ang Ibang tao ay mas positibo kumpara sa iba, pero kaya mong maging positibo sa buhay kahit iisipin mo na hindi ito totoo.



Ito ang 7 Paraan
2. Simulan mo ang araw na may Positibong Pananaw

Paano nga ba sisimulan ang araw para maging maganda ang tuno ng buhay mo buong araw. nakaranas ka na bang huling magising, nataranta at nakaramdam na parang walang nangyari sa loob ng isang araw? Ito dahil sinimullan mo ang araw mo ng negatibong emotion, nakaapekto at dala-dala mo ang pangyayari na ito sa loob ng buong araw. Sa halip na kalabanin mo ang ganitong pangyayari ikaw pa ang nacontrol nito, Simulan mo ang araw mo ng merong positibong pananaw. Kausapin mo ang sarili mo sa harap ng salamin, kahit minsan parang baliw pakinggan pero magandang tulong ito. Sabihin mo sa sarili mo “ Today will be good day” o “Magiging magaling ako ngayong araw” Magugulat ka paano mo mapapabuti ang araw mo.

2. Focus on Good Things, Kahit Maliliit lang na bagay

Sa buong buhay natin kahit gawin mo ang lahat at kahit nakaupo ka lang talagang makakasalubong ka ng balakid sa buong araw. Alam na man natin na walang perpektong bagay sa buong araw. Kung makakasalubong tayo ng ganitong pagsubok, pagtuonan mo ng pansin ang mabuting dulot. Kahit na maliit o simpling bagay lang. Tulad ng, kung na stranded ka sa subrang traffic, gumawa ka ng paraan para e enjoy ang sarili mo making ng mp3 o sa Radio. Kung ang tindahan ay naubusan ng stock na kailangan mong lutuin, mag-isip ka ng ibang alternatibo o sumubok ng bago. 



3.Maghanap ng katatawanan sa isang masamang Situation.

Hayaan mo ang sarili mo na makaranas ng matawa kahit sa simpling bagay. Lagi mong paaalahan ang sarili mo na ang pangyayaring ito ay may magandang kwento na maidudulit sayo sa hinaharap at subukan mong gumawa ng joke sa pangyayari. Sa ganitong paraan masasanay kang ngumite kahit sa napakasamang Situation na mararanasan mo.

4.    Gawin mong aral ang isang kabiguan

Wala namang perfect o kahit ikaw o ako ay hindi perpekto. Makakaranas ka talaga ng kabiguan sa araw-araw na buhay mo, Lalong-lalo na sa trabaho mo. Sa halip na ilaan mo ang oras mo sa pag-iisip kung saan ka nagkamali, isipin mo na lang kung ano ang posibling gagawin mo sa hinaharap para mapaangat at ma tama ang pagkakamali mo.Gawin mong aral ang mga kabiguan. Isipin mong mabuti dahil ito ay magandang paraan para matuto ka sa ano mang pangyayari sa buhay mo o pagkakamali. Halimbawa, makakatagpo ka ng bagong mabuting patakaran sa panibagong proyekto na gagawin mo bilang resulta.

5.         Kausapin mo ang sarili mo sa Positibong Paraan sa Halip na Negatibo

            Ang pagsasabi ng negatibo sa sarili ay medaling gawin at hindi talga napapansin. Iisipin mo na masama ito o susubukan ko kaya to, pero ang ganitong mga salita ay magpaparamdam sayo sa sarili mo ng isang pananaw na pagdadalawahang isip mo na maaari mo lang tangapin ang resulta maging ito ay mabuti o masama. Kung nakikita mo ang sarili mo na sinasabi ito, tigilan mo yan at palitan mo ang mga negatibong mensahe ng positibo. Katulad ng Subrang hina ko talaga dito, pero kung magsasanay akong mabuti magiging magaling ako. Hindi gumana ang ginawa ko katulad ng napagplanuhan, pero malay mo sa susunod na mga subok makakamtam ko rin yan.

6. Pagtuonan mo ang kasalukuyan

Ang tinutukoy ko ay kasalukuyan- hindi ang ngayon, hindi ngayong oras, hindi ngayong insaktong pangyayari. Maaring napagalitan ka ng iyong boss, pero ano nga ba ang pangyayari na nangyari sa iyo na subrang sama? Kalimutan mo ang pangyayari na nakalipas sa loob ng 5 minuto. Kalimutan mo ang mga sinabi niya sa nakalipas na limang minute. Pagtuonan mo ang ngayon na isang pangyayari lang. Halos sa lahat ng situasyon, nakikita mo na hindi naman ganon kasama ang pangyayari gaya ng iniisip mo. Kadalasan na dahilan ng pagiging negatibo ay nagmumula sa ala-ala mo sa kung ano ang nangyari sa nakaraan o nagiging subra ka ng maisip para sa posibling gawin mo sa hinaharap. Mantili ka sa kung ano ang kasalukuyan.

7. Maghanap ka ng mga kaibigan, mentors o katrabaho na positibo sa buhay

Kung iikutan mo ang sarili mo ng mga taong positibo sa buhay, maaapektuhan ka rin dahil sa kanilang mga kwento at mga pananaw na positibo. Ang mga positibong Salita ay papasok sa sarili mong pag-iisip na makaka apekto o makaka impluwensya rin sa iyong sariling pananaw. Gawin mo lahat ng iyong makakaya para mapataas o mapaganda ang pagiging positibo ng ibang tao, at hayaan mo ang positibong apekto ay babalik sayo.

Halos lahat ng tao sa kahit anong situasyon ay pweding gamitin ang kanilang natutunan sa kanilang karanasan para mapatagtag o mapataas ang pagiging ugaling positibo. Kung iisipin mo, ang pag-iisip ng positibo ay babalik ng double sayo, kaya pag-aralan mo ito, para marami kang benepisyo na makukuha sa pagiging positibo sa buhay. 







No comments:

Post a Comment