Friday, May 19, 2017

Paano ba muling ibalik ang tiwala sa taong mahal mo?

Walang ng mas masakit pa sa nararamdaman natin kung ang taong minahal at pinagkatiwalaan mo ay niloko ka lang, sinaktan at sinira ang tiwalang binigay mo. Ang pagkawala ng tiwala ay may iba’t-ibang uri tulad ng pagsisinungaling, pangangaliwa at pagiging hindi tapat. Kahit saan man dito ay nagbibigay ng sakit sa ating nararamdaman sa ating puso’t-isipan. Ang Relasyon ay pinakamahirap dalhin na kakadepende rin sa isang pangyayari. Ang hindi pagiging tapat sa relasyon ay hindi nangangahulugan na katapusan na ng inyong relasyon? Sa ibang tao ang paglampas aat pag tangap sa isang kasinungalingan at nagkapatawaran ay isa sa nagpapatatag ng isang relasyon, kung meron pang kahalagahan sa iyo ang inyong relasyon at ito ay nakadepende din sa taong sinaktan mo kung papatawarin ka pa niya o hindi. Ang relasyon ay madali lamang ayusin pero depende rin kung muli mo pang ipanumbalik ang tiwala niya sayo.


Ang Trust ay katulad ng isang pandikit na nag-uugnay sa isang relasyon. Ito ay nag nagbibigay kapanatagan na nag uugnay sa inyo  ng taong mahal mo. Kung ang relasyon ay nagsisimula ang tiwala naman ay unti-unti na bubuo. Ang proseso ng pagtitiwala ay hindi ganun kadaling mabuo para magkaroon ng magandang relasyon kinakailangan natin ng maganda ay isang matatag na pagtitiwala. 
Paano kung Sinira na ng taong mahal mo ang tiwalang ito?
Ito ang apat na paraan paano mo patatawarin at pagkakatiwalaan uli ang taong minsan nanakit at sumira nito.

1. Patawatin mo ang Sarili mo
Ang pinakama importanting paraan kung papaano mo patawarin ang isang tao ay ang pagpapatawad muna sa sarili mo. Sa pagmuni-muni sa isang pangyayari talagang makakaisip tayo ng bagay kung meron din ba tayong nagawang pagkakamali o kakulangan kahit minsan sinasabi natin sa sarili natin na ginawa naman natin lahat. Minsan sa sarili natin iniisip din natin kung papaano natin gawan ng paraan na hindi na maulit ang ganitong pangyayari sa ating buhay at relasyon. Lagi mong tatandaan na ang ugali ng isang tao ay nasa kanyang sariling kagustuhan at kung sino talaga sila hindi kung sino ka?
2.  Patawarin mo ang ibang tao
Napakaimportante ang pagpapanumbalik sa tiwala mo sa isang taon. Napakahirap man tangapin na ang pagbibigay tiwala at pagpapatawad sa isang tao dahil gusto natin na sila na mismo ang makakarealize sa kanilang masamang pag-uugali at hahayaan sila na gumawa ng paraaan para bumalik ulit ang tiwalang binigay mo sa kanila. Ang kaalaman sa pagpapatawad sa isang tao at pagbibigay ng kapayapaan sa isang pangyayari sa nakaraan ay mapadali kung nakatuon ang atensyon mo sa isang pangyayari instead na tingnan mo lang ang kanyang ugali na panglabas. Ang pagtingin sa perpective ng isang tao kung ano ang kanyang nagawa nakabutihan ay hnakakabuti kaysa tingnan mo kung sino siya. Alamin mo ang mga bagay na magaganda na nagawa niya hindi yung isang pagkakamali niya.
3. Pagkatiwalaan mo ang iyong Sarili 
Mahirap pagkatiwalaan ang isang tao kung hindi mo alam paano pagkatiwalaan ang sarili mo. Maniwala ka sa sarili mo kung paano at ano ang dapat mong gawin para tangapin ang katotohan na nangyari. Lagi mo itatatak sa isipan mo na ang nangyari ay nangyari na ang magandang gawin lamang ay tangapin ang katotohanan. Sa pagtangap ng katotohan ay kasabay din sa pagtitiwala na tama ang desisyon na gagawin mo na patawarin siya. Sa pamamagitan nito matatangap mo at mapapanagako mo sa sarili mo na hindi niya na ulit gagawin ang ganitong bagay sa buhay niya.
4. Pagkatiwalaan mo ang ibang tao 
Kung mayroon ka ng tiwala sa sarili mo oras na siguro para pagkatiwalaan mo ang ibang tao. Ang pagsisinungaling sa isang relasyon ay hindi ganun ka daling tangapin, kinakailangan nating dumaan sa proseso na pagtangap sa kung ano ang nangyari, pero ang pagtitwala ulit sa ibang tao ay ang maglalabas sa iyo sa rehas ng hindi pagtitiwala sa iba.
Hindi ganun kadali tangapin ang pangyayari pero isipin mong mabuti bakit niya kaya na gawa iyon. Ang pagbibigay ng tiwala ay kingkailangan din ng malaking pag-unawa. Pagiging matatag sa loob na hindi niya na ulit gagawin ang mga bagay na alam mo makakasira ulit sa inyong relasyon.
Relationships are vital to our well-being and quality of life. Without the difficult times, we wouldn’t be able to appreciate the good times. Working through a ruptured relationship offers you the opportunity to grow as a person and perhaps find a deeper meaning in the relationship itself.
Ang relasyon ay pinakamahirap na dalhin sa buhay ng isang tao, merong pangyayarin na mahirap dalhin at mahirap panindigan pero kailangan natin tangapin at isipin ang mga magagandang bagay na nagdaan sa buhay niyo. Ang relasyon ay pagpapatubo ng isang tanim kailangan mo itong alagaan at paglaanan ng oras para magkaroon ng magandang bunga sa hinaharap. Tatambakan mo ng magagandang pangyayari para magiging maganda ang inyong pundasyon.


No comments:

Post a Comment