Walang ng mas masakit pa sa nararamdaman natin kung ang taong minahal at pinagkatiwalaan mo ay niloko ka lang, sinaktan at sinira ang tiwalang binigay mo. Ang pagkawala
ng tiwala ay may iba’t-ibang uri tulad ng pagsisinungaling, pangangaliwa at
pagiging hindi tapat. Kahit saan man dito ay nagbibigay ng sakit sa ating
nararamdaman sa ating puso’t-isipan. Ang Relasyon ay pinakamahirap dalhin na
kakadepende rin sa isang pangyayari. Ang hindi pagiging tapat sa relasyon ay
hindi nangangahulugan na katapusan na ng inyong relasyon? Sa ibang tao ang paglampas
aat pag tangap sa isang kasinungalingan at nagkapatawaran ay isa sa nagpapatatag
ng isang relasyon, kung meron pang kahalagahan sa iyo ang inyong relasyon at
ito ay nakadepende din sa taong sinaktan mo kung papatawarin ka pa niya o
hindi. Ang relasyon ay madali lamang ayusin pero depende rin kung muli mo pang
ipanumbalik ang tiwala niya sayo.
Ang Trust ay katulad ng isang pandikit na
nag-uugnay sa isang relasyon. Ito ay nag nagbibigay kapanatagan na nag uugnay
sa inyo ng taong mahal mo. Kung ang
relasyon ay nagsisimula ang tiwala naman ay unti-unti na bubuo. Ang proseso ng pagtitiwala ay hindi ganun kadaling mabuo para magkaroon ng magandang relasyon kinakailangan natin ng maganda ay isang matatag na pagtitiwala.
Paano kung Sinira na ng taong mahal mo ang tiwalang ito?
Ito ang apat na paraan paano mo patatawarin at
pagkakatiwalaan uli ang taong minsan nanakit at sumira nito.
1. Patawatin mo ang Sarili mo
Ang pinakama importanting
paraan kung papaano mo patawarin ang isang tao ay ang pagpapatawad muna sa
sarili mo. Sa pagmuni-muni sa isang pangyayari talagang makakaisip tayo ng
bagay kung meron din ba tayong nagawang pagkakamali o kakulangan kahit minsan
sinasabi natin sa sarili natin na ginawa naman natin lahat. Minsan sa sarili
natin iniisip din natin kung papaano natin gawan ng paraan na hindi na maulit
ang ganitong pangyayari sa ating buhay at relasyon. Lagi mong tatandaan na ang
ugali ng isang tao ay nasa kanyang sariling kagustuhan at kung sino talaga sila
hindi kung sino ka?
2. Patawarin mo ang ibang tao
Napakaimportante ang
pagpapanumbalik sa tiwala mo sa isang taon. Napakahirap man tangapin na ang
pagbibigay tiwala at pagpapatawad sa isang tao dahil gusto natin na sila na
mismo ang makakarealize sa kanilang masamang pag-uugali at hahayaan sila na
gumawa ng paraaan para bumalik ulit ang tiwalang binigay mo sa kanila. Ang
kaalaman sa pagpapatawad sa isang tao at pagbibigay ng kapayapaan sa isang
pangyayari sa nakaraan ay mapadali kung nakatuon ang atensyon mo sa isang
pangyayari instead na tingnan mo lang ang kanyang ugali na panglabas. Ang
pagtingin sa perpective ng isang tao kung ano ang kanyang nagawa nakabutihan ay
hnakakabuti kaysa tingnan mo kung sino siya. Alamin mo ang mga bagay na
magaganda na nagawa niya hindi yung isang pagkakamali niya.
3. Pagkatiwalaan mo ang iyong Sarili
Mahirap pagkatiwalaan ang isang tao kung hindi
mo alam paano pagkatiwalaan ang sarili mo. Maniwala ka sa sarili mo kung paano
at ano ang dapat mong gawin para tangapin ang katotohan na nangyari. Lagi mo
itatatak sa isipan mo na ang nangyari ay nangyari na ang magandang gawin lamang
ay tangapin ang katotohanan. Sa pagtangap ng katotohan ay kasabay din sa
pagtitiwala na tama ang desisyon na gagawin mo na patawarin siya. Sa pamamagitan
nito matatangap mo at mapapanagako mo sa sarili mo na hindi niya na ulit gagawin
ang ganitong bagay sa buhay niya.
4. Pagkatiwalaan mo ang ibang tao
Kung mayroon ka ng tiwala sa sarili mo oras na siguro para
pagkatiwalaan mo ang ibang tao. Ang pagsisinungaling sa isang relasyon ay hindi
ganun ka daling tangapin, kinakailangan nating dumaan sa proseso na pagtangap
sa kung ano ang nangyari, pero ang pagtitwala ulit sa ibang tao ay ang
maglalabas sa iyo sa rehas ng hindi pagtitiwala sa iba.
Hindi ganun kadali tangapin ang pangyayari pero isipin mong mabuti
bakit niya kaya na gawa iyon. Ang pagbibigay ng tiwala ay kingkailangan din ng
malaking pag-unawa. Pagiging matatag sa loob na hindi niya na ulit gagawin ang
mga bagay na alam mo makakasira ulit sa inyong relasyon.
Relationships are vital to our well-being and
quality of life. Without the difficult times, we wouldn’t be able to
appreciate the good times. Working through a ruptured relationship offers you
the opportunity to grow as a person and perhaps find a deeper meaning in the
relationship itself.
Ang relasyon ay pinakamahirap na dalhin sa buhay
ng isang tao, merong pangyayarin na mahirap dalhin at mahirap panindigan pero
kailangan natin tangapin at isipin ang mga magagandang bagay na nagdaan sa
buhay niyo. Ang relasyon ay pagpapatubo ng isang tanim kailangan mo itong
alagaan at paglaanan ng oras para magkaroon ng magandang bunga sa hinaharap.
Tatambakan mo ng magagandang pangyayari para magiging maganda ang inyong
pundasyon.